
ANG ADBOKASIYA
ᜀᜅ᜔ ᜀᜇ᜔ᜊᜓᜃᜐᜒᜌ
Malaki ang naidulot ng pagsakop ng ibang mga bansa sa ating bayan, resulta nito ang pagkalimot at pagkasawalang bahala sa ating mga tradisyon at kultura.
BAYBAYIN — ang sinaunang paraan ng pagsusulat na malaki ang naging papel sa ating pagka-Pilipino. Ito ang nagsisilbing tatak ng ating nakaraan noong tayo'y hindi pa sinagabal ng mga mananakop.
Sa panahon ngayon, maraming nagsusulong na ito ay ibalik at gamiting muli ngunit iilan lamang ang nakakaalam kung paano ito isulat at basahin. Nais naming alisin ang takot sa mga Pilipino na pag-aralan ito
TAYO'Y GUMISING NA AT MAMULAT SA UGAT
BAYBAYIN
ᜊᜌ᜔ᜊᜌᜒᜈ᜔
Ito ay nagmula sa salitang "BAY BAY" na ang ibig sabihin ay literal na pagbabaybay o "to spell" sapagkat isa sa mga panuntunan ng pagsulat nito ay kung anong bigkas ay siya ring baybay.
Ang sinaunang paraan ng pagsusulat sa Pilipinas bago pa masakop ng mga Espanyol. Ito ay ginagamit sa komunikasyon, literatura, at tula.
Ito ay makikita sa isa sa pinaka unang nailimbag na libro — ang Doctrina Christiana kung saan nasasaad rito ang mga katesismo at batas para sa Relihiyoso ng mga Orden.