top of page

ANG MAY-AKDA

Untitled design (4).png

MAAN DEUS  ᜋᜀᜈ᜔ ᜇᜒᜌᜓᜐ᜔

Masyado nang maraming bagay ang nagyayari sa ‘ting bansa, panahon na upang tayo’y maging maalam sa ating nakaraan at buhayin muli ang mga tradisyon at kulturang matagal nahimlay sa hukay. Isa itong daan upang mas tumatag ang ating pagka-Pilipino. 

KAI ENRIQUEZ ᜃᜌ᜔ ᜁᜈ᜔ᜍᜒᜃᜒᜐ᜔

Hindi talaga natin maiiwasan ang makalimutan ang nakaraan, ngunit ito na ang oras para balikan at matutunan natin ang mga tradisyon at kultura ng nagdaan. Ang nais ko lamang ay sana wag naten kalimutan ang nakaraan sapagkat gamitin naten ito upang maipalaganap sa mga mamayanan ang ating pinagmamalaking kultura. Protektahan, Ipagmalaki, Ituro, Dakilain - ang Baybayin.

NAOMI SERRANO ᜈᜌᜓᜏ᜔ᜋᜒ ᜐᜒᜍᜈᜓ

Ang ating pagkakakilanlan— sa pagyakap ng ating pagiging-makabayan sa pamamagitan ng kultura at tradisyon. Aking hangad maging tagataguyod ng Baybayin sa pagbabahagi ng kapangyarihan na magmumula sa ating sarili at sa darating, kapangyarihang magmumula sa bayan.

GABRIEL SULAYAO  ᜄᜊ᜔ᜍᜒᜌᜒᜎ᜔  ᜐᜓᜎᜌᜏ᜔

Huwag natin hayaan na ibaon sa limot at ipagsawalang-bahala ang natatanging sulatin na sariling atin. Patuloy lang natin payabungin at payamanin ang kultura, kasaysayan at simbolo ng Baybayin sapagkat sa sulatin na iyon nabuo ang makulay at makasaysayan na sinauna nating kultura na ating kinalimutan sa paglipas ng maraming taon. Hahayaan ba natin na tuluyan na mabura sa kaisipan at kultura ng bawat mamamayan ng ating bansa ang Baybayin hanggang sa mga susunod pang mga henerasyon?

©2019 by BAYBAYIN: Himukin, Palagiin, Dakilain. Proudly created with Wix.com

bottom of page